Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang Southern Leyte, alas-7:57 kaninang umaga.
Batay sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs, nasa layong 8 kilometro timog-kanluran ng bayan ng Hinundayan ang sentro ng lindol.
Unang naitala sa magnitude 5.3 ang pagyanig pero itinaas ng ahensya sa 5.4.
May lalim namang 6 kilometro ang lindol at tectonic ang origin.
Sa inisyal na impormasyon mula sa Phivolcs, ang Philippine Fault Zone o PFZ Leyte Segment ang gumalaw.
Naramdaman ang pagyanig sa sumusunod ng lugar:
Intensity VI - Hinunangan at St. Bernard, Southern Leyte
Intensity IV - Tacloban City
Intensity III - Palo, Leyte
Intensity II - Cebu City and Talisay City; Surigao City
Intensity I - Lapu Lapu City
Sa ganito kalakas na pagyanig, may inaasahang pinsala ang Phivolcs at may aftershocks. | via@Phivolcs
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Southern Leyte, niyanig ng magnitude 5.4 na lindol.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Friday, July 25, 2014
12:16 PM