TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Sports Analysts hirap sa pag-predict kung sino ang magwawagi sa World Cup.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Thursday, July 3, 2014

Pati ang mga eksperto ay hirap ngayon sa pag-predict kung sino ang malalaglag at papasok sa semifinals ng WorlCup 2014 sa pag-uupisa ng quarter-finals bukas.

Una sa line-up na magsasagupa ang France at Germany, alas-dose ng madaling araw at susundan ito ng Brazil kontra Columbia bandang alas-4.

Sa panig ng France at Germany, ang bansang France ay may naitalang 14 appearances na sa World Cup mula noong 1930 at nagkampeon noong 1998.

Ang Germany naman ay nakapagtala na ng taltong kampeonato mula noong 1934, ang kampeonato ay nakamit noong 1954, 1974 at 1990.

Samantala sa sagupaang Brazil at Columbia, nakapagtala na ng limang World Cup champion ang Brazil at ito ay noong 1958, 1962, 1970, 1994 at 2002.

Ang Columbia na nakapaglaro lamang noong 1962 ay hindi pa nakakamit ng kampeonato ngunit nakapasok sa quarter-finals ngayong taon.

Ang mananalo sa laro mamayang madaling araw ay pasok na sa semifinals ng World Cup.

Samantal ang walong bansa na pasok sa quarter-finals ay ang Germany, France, Colombia, Brazil, Belgium, Argentina, Costa Rica at Netherlands.

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments