Lalo pang lalakas ang bagyong "Florita" na ngayon ay nasa kategorya na bilang super typhoon habang ito ay papalayo sa ating bansa.
Ayon sa ulat ng Pagasa, bukas ito lalabas sa Philippine Area of Responsibility o PAR ngunit magpapatuloy ang mga pag-ulan dahil sa nahatak nitong kaulapan na hatid ng habagat.
Huling namataan ang naturang sama ng panahon sa layong 500 kilometro sa silangan hilagang silangan ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 195 kilometro kada oras at pagbugsong 230 kilometro bawat oras.
Sa ngayon ay ito na ang pinakamalakas na bagyo para sa taong 2014 at kauna-unahang super typhoon na pumasok sa karagatang sakop ng ating bansa, makaraan ang super typhoon Yolanda noong 2013 na kumitil ng mahigit 6,000 katao. | via@PAGASA
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Super typhoon Florita ang pinakamalakas na bagyo para sa taong 2014.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Tuesday, July 8, 2014
9:24 AM