TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Tacloban at Palo, Leyte, ininspeksyon bilang paghahanda sa pagbisita ni Pope Francis.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Sunday, July 6, 2014

Ininspeksyon ng mga taga-Vatican ang ilang lugar na posibleng bisitahin ni Pope Francis sa Enero 2015.

Kabilang sa pinuntahan nila ay ang ilang lugar sa Tacloban at Palo, Leyte, mga lugar na matindi ang tinamong pinsala sa pananalasa ng Bagyong Yolanda noong Nobyembre 2013.

Sinabing papangunahan anya ng Santo Papa ang blessing sa bagong ayos na Palo Cathedral.

Ayon kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, magiging mahigpit ang seguridad sa pagdating ni Pope Francis ngunit maaari pa rin siyang masilayan ng mga Katoliko.

Ayon kay Archibishop John Du ng Archdiocese of Palo, mahalaga ang pagbisita ng Santo Papa sa mga Katolikong biktima ng supertyphoon dahil nagsisimbulo ito ng pag-asa sa 'Yolanda' survivors.

Una nang sinabi ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines o CBCP na nakahanda na sila sa pagbisita ng Santo Papa sa Pilipinas.

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments