TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Tinalo ng Gilas Pilipinas ang Chinese Taipei, 78-64 sa FIBA Asian Cup.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Sunday, July 13, 2014

Mistulang nakaganti na rin ang Gilas Pilipinas sa Chinese-Taipei matapos na talunin sa kanilang unang laro kahapon sa Group B sa nagpapatuloy 5th FIBA Asia Cup na ginaganap sa Wuhan, China sa iskor na 78-64.

Noong nakaraang taon ay nasilat ang Pilipinas ng mga Taiwanese sa FIBA Asia Championship na ginanap pa sa bansa.

Pero sa pagkakataong ito ay hindi umubra ang mga Taiwanese sa kabila na nanalo pa sila sa unang laro kahapon kontra sa Jordan, sa eskor na 85-63.

Nanguna sa opensa ng Team Pilipinas si Paul Lee na may 18 points, kabilang ang apat na three points, Gary David na may 16 points, sina LA Tenorio at Ranedel Ocampo ay kapwa may tig-11 points, ang naturalized player na si Marcus Douthit ay nagbuslo ng walong puntos.

Ang iba pang makakalaban ng Pilipinas sa Group B ay Singapore at Jordan.

Ang partisipasyon ng Pilipinas sa Wuhan ay bahagi ng paghahanda ng bansa sa mas malaking laban sa FIBA World Championship na gaganapin Spain sa sunod na buwan.

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments