MISAMIS ORIENTAL - Unti-unti nang bumalik sa kanilang mga tahanan ang 182 pamilya na unang nabiktima ng paghagupit ng ipo-ipo sa magkaibang lungsod at bayan sa lalawigan ng Misamis Oriental.
Ito'y bunsod umano ng bagyong Henry na nasa bansa.
Una nang hinagupit ng malakas na hangin ang 91 pamilya sa syudad ng Gingoog habang karagdagang 42 na kabahayan ang tinamaan sa ibang bayan.
Sa ulat na mayroong nasugatan matapos natumbahan ng kanilang bahay sa Barangay San Juan, Gingoog City.
Umaabot din sa 12 kabahayan ang totally damaged habang inaalam pa ang kabuuang naitalang danyos sa nasabing pangyayari.
Magugunitang ilang araw nang nakakaranas ng pag-ulan ang ibang bahagi ng lalawigan partikular sa bayan ng Tagoloan at Gingoog City.
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Unti-unti nang bumalik sa kanilang mga tahanan ang 182 pamilya na nabiktima ng paghagupit ng ipo-ipo sa Misamis Oriental.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Monday, July 21, 2014
9:44 AM