Inalis na ang babala ng bagyo sa anumang bahagi ng bansa kasabay na rin ng pagdistansya ng Typhoon Henry sa Pilipinas.
Sa Weather Bulliten ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 360 kilometro hilaga ng Basco, Batanes.
Nasa bahagi ito ng Nantou County sa Taiwan kaninang alas-4:00 ng umaga.
Sa inaasahang paglabas nito ng Philippine Area of Responsibility o PAR ngayong araw ng Miyerkules bago mananghali, tanging ang Habagat o southwest monsoon ang magpapaulan sa bansa.
Uulanin dulot nito ang kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas kabilang ang Metro Manila, Zambales, Bataan at CALABARZON.
May gale warning pa rin sa buong seaboard ng Luzon at Western Visayas.
Posibleng hihina na ang Habagat pagdating ng weekend dahil na rin sa patuloy na paglayo sa bansa ni "Henry."
Samantala ang Low Pressure Area o LPA sa labas ng PAR ay huling namataan sa layong 1,030 km silangan ng Visayas.
Posibleng malusaw ang LPA, batay sa analisa ng Pagasa.
Ngunit dahil pa-kanluran at nasa karagatan pa, hindi pa rin inaalis ang posibilidad na lumakas pa ito.
Tatawagin itong "Inday" sakaling maging bagyo.
Ngayong weekend pa rin ito inaasahang papasok ng PAR.
Oras na pumasok, hindi pa ito makakaapekto sa bansa. | via@DOST_PAGASA
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
(Update) Bagyong 'Henry,' papalabas na ng PAR.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Wednesday, July 23, 2014
9:38 AM