Nanawagan ang ilang Overseases Filipino Worker's o OFW's sa Hong Kong sa mga kababayan at sa pamahalaan ng Pilipinas kung sino ang nakakakilala sa isang Pinay na laman ng mga social networking site dahil sa pagsasayaw nito ng hubo't hubad sa Mass Train Railway o istasyon ng tren.
Ayon sa isang Pinay Worker sa Hong Kong na si Marites Palma, sinabi nito na pinagpiyestahan umano ng mga mananakay ang hindi pa kilalang kababayan ng nagsasayaw at nagwawala habang kinukuhanan ng mga larawan at videos.
Ayon kay Palma, nagsasalita umano ng wikang Tagalog ang nasabing babae.
Makikita sa kumalat na video na nakasuot lamang ng underwear at walang saplot sa itaas ang umano'y kababayan.
Maging ang embahada ng bansa ay hindi rin umano kilala ang babae at hindi na rin mabatid ang kinaruruonan nito.
Maliban kay Palma, tumutulong na rin ang ilang samahan ng Pinoy sa Hong Kong upang makilala ang nabanggit na babae.
Sinasabing may sakit umano sa pag-iisip ang Pinay.
Naging laman din ng balita at kumalat ang mga larawan sa mga lokal na payahagan doon ang tungkol sa nabanggit na umano'y kababayan na gumawa ng eskandalo sa istasyon ng tren sa Hong Kong. | via@BomboRadyo.com
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Video't larawan ng hubo't hubad na Pinay sa istasyon ng tren sa HK, kumalat sa social media.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Friday, July 25, 2014
9:32 AM