TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Viloria, inspirasyon ang dalawang anak sa laban sa Macau.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Friday, July 18, 2014

Muling lalaban at uukit daw ng kasaysayan ang "Hawaiian Punch" na si Brian Viloria sa edad na 33-anyos laban sa Mexican Flyweight Jose Alfredo Zuniga na gaganapin sa Cotai Arena, Venetian Hotel sa Macau, China.

Si Zuniga ay mayroong 11 wins, 5 loss record.

Sinabi ni Viloria na kahit tumatanda na ito ay malakas pa rin at siniguradong magbibigay ng magandang laban sa Linggo.

Pabirong sinabi ni Viloria sa isang press conference na inspirasyon niya ngayon ang dalawang anak kung saan natuto na itong magpalit ng diaper para sa mga ito.

Samantala, mukha ring malakas ang kanyang katunggali at mas bata ito ng walong taon sa edad na 25, ngunit natalo ito sa huling laban para sa interim Light Flyweight WBA World Title laban kay Alberto Rossel.

Si Viloria ay huling lumaban noong Marso 29 laban kay Juan Herrera sa Texas Station Casino, Las Vegas kung saan nanalo ito via unanimous decision.

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments