Nagtagumpay ang Pinoy boxer na si Brian "The Hawaiian Punch" Viloria na maibangon ang pangalan sa Cotai Arena sa Macau.
Ito'y makaraang pabagsakin ni Viloria sa pamamagitan ng knockout ang kalabang Mexicano na si Jose Alfredo Zuniga sa Round 5 ng kanilang 10-round bout.
Isang left hook ang ibinigay ni Viloria kay Zuniga sa ika-1:42 minuto ng Round 5 na nagpabagsak sa Mexican boxer.
Binilangan ng referee si Zuniga ngunit hindi na nakatayo pa.
Ang panalo ni Viloria na isa sa mga alaga ng Hall of Famer trainer na si Freddie Roach, ay magbibigay dito ng susi para makalaban sa isang title fight.
Nabatid na sa Macau din naagawan ng korona si Viloria nang tinalo ni Juan Francisco Estrada.
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Viloria, pinabagsak si Zuniga sa 5th Round.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Sunday, July 20, 2014
11:47 AM