TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Wag basta ma-inlove sa social sites.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Saturday, July 12, 2014

Pinaalalahanan ngayon ng Philippine Embassy sa Kuala Lumpur, Malaysia ang mga OFW's na huwag basta nahuhulog ang loob sa mga taong nakikilala lamang sa social networking sites.

Batay sa statement ng embahada, pinag-iingat nila ang mga kababayan gayundin ang mga kaibigang Malaysian sa pakikipag-deal sa mga tao sa internet, lalo ang mga hindi nakikita ng personal at humihingi ng pera gamit ang pag-ibig.

Ilan daw sa mga biktima ay naloko ng kanilang inakalang lovers na nakilala lamang sa chatrooms at Facebook mesaging.

Halimbawa daw dito ang isang Hong Kong-based Pinay na nabighani sa isang Malaysian-based Briton na nakilala sa social website at naging fiancee makalipas ang dalawang buwan lamang.

Dahil daw sa matamis na pananalita, napaniwala ang Pinay at nagpadala ng malaking halaga sa Briton na agad ding nawala nang makuha ang pera. | via@DFA

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments