TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

"Walang himala!" sa 3 years old na batang babae sa Zamboanga del Sur, sinasabing muli itong nabuhay.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Tuesday, July 15, 2014


Viral video ng isang tatlong taong gulang na batang babae sa Zamboanga del Sur na umano'y ihahatid na sana sa kanyang libingan pero habang isinasagawa sa loob ng isang simbahan ang misa, sinasabing himalang nabuhay muli ang bata.

Kinilala ang bata na si Baby Rose, 3-anyos mula sa bayan ng Aurora, Zamboanga del Sur.

Napag-alaman na dakung ala-1:00 ng hapon noong araw ng Sabado na sana ang libing ng bata matapos itong pumanaw mga alas-9:00 ng umaga noong araw ng Biyernes.

Hanggang sa ngayon, usap-usapan pa rin sa social networking site ang pangyayari.

Samantala, paliwanag ng pamunuan ng klinika na pinagdalhan sa bata, iginiit nilang patay ang bata at hindi buhay tulad sa sinabi ng pamilya na nabuhay ito muli.

Sa ngayon ay nakaburol na ang bata sa kanilang tahanan sa may Brgy. Bayabas at inaasikaso na muli ng pamilya ang paglibing dito.


TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments