TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

1-yr. old patay nang ibalibag sa semento ng kapitbahay na may diperensya sa pag-iisip.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Thursday, August 28, 2014

Kalunos-lunos ang sinapit ng isang taong gulang lamang na bata sa kamay ng 34-anyos na lalaking kapitbahay na umano'y may diperensya sa pag-iisip matapos itong sapilitang kinuha sa kamay ng ina at binuhat ng patiwarik at saka binitawan bago ibinalibag sa semento.

Hinabol pa ang suspek ng mga rumespondeng barangay tanod sa Barangay Bacnono, Bayambang sa lalawigan ng Pangasinan.

Pwersahang kinuha ng suspek ang batang si Shaira Mae Arenas mula sa ina nito bago ibinalibag sa semento.

Ayon naman sa ina ng suspek, nakawala ang anak mula sa pagkakakadena na matagal ng may karamdaman sa pag-iisip.

Nagsimula umano ito nang iwanan ng kanyang asawa at anak.

Samantala, ilang oras matapos isugod sa ospital ang bata, pumanaw rin ito dahil sa matinding pinsalang tinamo sa katawan at ulo.

Dahil sa karamadaman ng suspek, ipinasakamay ito ng kapulisan sa Social Welfare and Development Office ngunit ibinalik din sa kanyang pamilya.

Sa ngayon bagamat pinalaya ang suspek, nasampahan na ito ng kaso at iniasa na sa korte ang pagdesisyon sa kaso. | via@BomboRadyo_Dagupan

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments