TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

1.2-B Internet usernames at passwords, na-hack ng Russian Gang.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Thursday, August 7, 2014


Aabot sa 1.2 bilyong usernames at passwords mula sa 500 milyong email addresses ang na-hack umano ng isang Russian Crime Ring.

Tinawag ng US computer security consulting firm na Hold Security ang naturang hack na "largest data breach known to date".

Sinasabing ang mga nanakaw na impormasyon ay mula sa 420,000 websites kasama ang "many leaders in virtually all industries across the world."

Gayunman hindi na nagbigay pa ng detalye ang Hold Security ukol sa mga kumpanyang na-hack.

Sa ulat ng New York Times na siyang unang naglabas ng report, kinumpirma ng isang security expert na hindi konektado sa Hold Security, na "authentic" ang pag-atake sa database ng credentials.

Ayon pa sa hiwalay na computer crime expert na nagrepaso rin sa data, batid ng malalaking kumpanya na kabilang ang kanilang mga rekord sa mga natipong impormasyon.

Ang Hold Security ang siya ring nakatuklas sa pag-hack sa Adobe at Target noong nakaraang taon.

Kinailangan anila ng pitong buwan ng pagsasaliksik para madiskubre ang lawak ng pinakamalaking data breach.

Ayon kay Alex Holden, founder at chief information security officer ng Hold Security, nakabase ang hacking ring sa maliit na lungsod sa South Central Russia.

Binubuo umano ito ng dose-dosenang magkakakilalang lalakihan na may edad 20-anyos at nagsimulang amateur spammers noong 2011. reports from New York Times

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments