Mahigit sa 20 high school student ng Bungiao National High School sa Zamboanga City ang di umano’y muli na namang sinapian ng masamag espiritu.
Noong Lunes nang suspendihin ang klase ng nasabing paaralan matapos sapian umano ng espiritu ang nasa 15 mga estudyante.
At kinabukasan araw ng Martes nang nasapian din ang lima pang estudyante.
Dumistansiya naman ang principal ng paaralan na si Andresa Constancia sa mga media sa dahilan na ito umano ang kahilingan ng mga espiritung sumasapi at na gumugulo sa mga estudyante at ayaw din umanong kunan ng video ang loob ng paaralan.
Lubos na rin ang pag-aalala ng principal dahil masyado na rin umanong naapektuhan ang kanilang klase dahil sa napapaulat na sinasapian ng espiritu ang mga ito na nagsimula pa nitong Huloy 21.
Ayon naman sa iba pang guro ng paaralan, bigla na lamang natutumba ang mga nasasanibang estudyante at pagkatapos ay nagwawala na ang mga ito.
Kwento ng ilang estudyante, kabilang sa pinaniniwalaang sinaniban ng espiritu ay nakakaramdam umano ng panghihina at pagkatapos ay hindi na nila maalala pa ang mga sunod na kinikilos nila.
Humingi na rin ng tulong ang pamunuan ng paaralan sa ilang pari kung saan kamakailan lamang ay benindisyunan na ang paligid at mga silid ng paaralan.
Nagsagawa na rin ng ritwal ang ilang ispiritista sa hangarin na makatulong sa pinaniniwalaang pagsanib ng espiritu sa mga estudyante.
Paliwanag naman ng simbahang Katoliko sa lunsod na huwag basta maniwala sa sinasabing pagsanib ng espiritu sa mga estudyante at kailangan pa umanong imbestigahan ang nasabing pangyayari para malaman kung ano talaga ang dahilan kung bakit may kakaibang kinikilos ang mga estudyante.
Nangako naman ang simbahan na gagawin nila ang kanilang makakaya para matulungna ang mga estudyante kung totoong sinasaniban sila ng espiritu. | via@StarFM Zamboanga
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
20 high school student, di umano’y sinapaan ng espiritu sa Zambo City.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Thursday, August 14, 2014
9:45 AM