Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
3,300 na ang tinamaan ng dengue sa Caraga; bilang ng patay, 17 na.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Saturday, August 9, 2014
9:18 AM
Naaalarma na ang Department of Health o DOH sa Caraga Region dahil sa pagtaas ng kaso ng dengue na ikinamatay na ng 17.
Sa datos ng DOH-13 Regional Epidemiology and Surveillance Unit, nakapagtala na ng mahigit 3,300 kaso ng dengue sa rehiyon hanggang nitong Agosto 2.
Mas mataas ito ng 60% kumpara sa naitala noong isang taon.
Ayon kay Sunshine Alipayo, Information Officer ng DOH-13, kabilang sa hotspots ang Agusan del Sur na may 752 kaso.
Narito ang bilang ng dengue cases sa ibang lugar sa Caraga:
Butuan City - 732 cases
Surigao del Sur - 418 cases
Surigao del Norte - 267 cases
Tandag City - 228 cases
Agusan del Norte - 220 cases
Surigao City - 197 cases
Bayugan City - 18 cases
Bislig City - 162 cases
Cabadbaran City - 137 cases
Dinagat Island - 18 cases
Pawang mga lalaki ang 51% sa tinamaan kung saan 41% ang edad 10 pababa. | via@DOH-13; report from ABS-CBNnews.com; photo from denguefeverinformation.com