TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

367 na nasawi sa 6.1 Magnitude na lindol sa China.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Monday, August 4, 2014


Umaabot na sa 367 ang patay sa pagtama ng magnitude 6.1 na lindol sa Yunnan, China.

Aabot naman sa 12,000 kabahayan ang nagiba at natabunan sa naganap na lindol.

Sa tala ng U.S. Geological Survey o USGS, naitala ang lindol sa babaw lamang na 10 kilometro sa bayan ng Longtoushan, 23 kilometro timog-kanluran ng lungsod ng Zhaotong.

Malubhang napinsala ang Ludian county na may populasyon na 429,000.

Karamihan sa mga nasawi ay mula sa Zhaotong City ng Ludian habang 10 naman ang mula sa Quijing City.

Wala ngayong kuryente at linya ng komunikasyon sa lugar.

Batay sa mga ulat, patuloy ang pag-rescue sa ilan pang mga biktima sa mga liblib na lugar na naapektuhan ng lindol. photo from www.News.cn

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments