10 mga estudyante sugatan matapos maaksidente ang kanilang sinakyan na traysekel sa lungsod ng La Carlota nitong araw ng Biyernes dakong ala-4:37 ng hapon , apat dito kritekal na agad namang isinugod sa pagamutan.
Sabi ni Artemio Villanueva, 44-anyos, drayber ng naaksidenteng traysekel, sinubukan niya umanong mag-overtake sa sinusundan na isa ring traysekel ngunit hindi ito binigyan ng pagkakataon na siyang naging dahilan ng kanilang mabilis na pagkarerahan sa gitna ng kalsada na humantong sa pagkabanggaan ng mga ito na nagresulta sa pagkawala ng kontrol sa manibela ni Villanueva at bumangga sa gate valve.
Ayon naman sa La Carlota City Police, nagkarerahan umano ang dalawang traysekel na kapwa puno ng mga pasaherong estudyante. report from Jondel Lijares; corresponded Marc Molao and Pat Escandellara; post from Tambayan ni Jondel; source from La Carlota City Police; photo and video from Marc Molao