TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Alamin ang mga tips ng POEA at DOLE para hindi maloko ng illegal recruiters.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Sunday, August 24, 2014


Alamin ang mga bagong modus ng illegal recruiters at ang tips ng POEA at DOLE para hindi maloko:

- Sa tanggapan lamang ng POEA maaaring mag-recruit ang isang employer. May mga pagkakataon anyang binibigyan ng special recruitment authority ang mga agency kasama ang mismong banyagang employer subalit hindi pwedeng sa bahay o sa mga mall gawin ang recruitment.

- Kung noo'y naniningil ang mga illegal recruiter, ngayo'y baligtad na at sila na ang namimigay ng salapi. "'Yung mga licensed recruiter, ang trabaho niyan is mag-qualify ng applicants through skills, in the usual recruitment process, hindi kasama roon ang panunuhol o pamimigay ng pera".

- Sa mga domestic helper at seafarer, awtomatiko anyang walang placement fee. Hindi rin dapat singilin ang mga lower skilled worker na papunta ng US, United Kingdom, Ireland, Netherlands, New Zealand at Canada. Sa mga hindi pasok sa exemptions na nabanggit, dapat katumbas lamang ng isang buwang sahod ang maaaring singiling placement fee at kailangang may official receipt mula sa Bureau of Internal Revenue o BIR.

- Para makahikayat ang illegal recruites, "Magpapakita na siya ay marangya, meron siyang cash, meron siyang magarang kotse, litrato ng bagay, titulo." Maaari rin anyang ihalimbawa ng mga illegal recruiter ang litrato ng marangyang pamumuhay ng umano'y napaalis na nitong Pinoy.

- Ginagamit din ito upang kunin ang tiwala ng target na OFW na mula sa probinsya'y pinaluluwas ng illegal recruiter sa Maynila o sa ibang lugar.

- Mabilis na ang 45-araw sa legal na proseso. Maghinala na kung mas mababa rito ang ipinapangako ng recruiter: "Dadaanin sa pabilisan kasi doon nagkakaproblema... 'yun pala ang daming proseso na hindi nadaanan".

Narito naman ang payo ng Department of Labor and Employment (DOLE) at POEA sa mga nais mag-abroad: 

- Siguraduhing rehistrado ang employer, recuitment agency at mismong recruiter. Maaari anyang makita o iberipika sa www.poea.gov.ph kung lisensyado ang job order.

- May smart phone application na rin ayon kay Cacdac na libreng maida-download laban sa mga illegal recruiters: "Halimbawa may kaharap kang recruiter, pwede mong alamin sa harap niya kung 'yung binanggit niyang kumpanya ay legal o illegal".

- Makipag-ugnayan sa POEA sa pamamagitan ng 722-1155 o sa info@poea.gov.ph

- Inirerekomendang maghanap ng job vacancies sa www.phil-jobnet.dole.gov.ph na lehitimong job and applicant matching system ng DOLEsa Internet. "Tiniyak natin na ang bakanteng trabaho, ang mga nagpo-post ay mga kumpanya na legit,". post from ABS-CBNnews.com

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S