TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Ano nga ba ang sakit na ALS?

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Saturday, August 30, 2014


Ayon sa National Institute on Neurological Disorders and Stroke, kilala rin ang ALS sa pangalang Lou Gehrig's disease na isang progresibong sakit na nakakaapekto sa 30,000 Amerikano at 5,000 kaso ang nadaragdag sa Estados Unidos taun-taon.

Kabilang ang ALS sa uri ng mga kapansanang kilala sa tawag na sakit sa motor neuron, o mga selula sa nerbiyo na makikita sa utak, sa mga sanga-sangang ugat ng ating utak o brainstem, at sa spinal cord, na nagsisilbing tagapamahala at mahahalagang koneksyon ng komunikasyon sa mga kalamnan ng ating katawan.

Kapag nawala ang mga selulang ito, nanghina at tuluyang mawawalan ng lakas ang katawan ng isang tao hanggang ito ay maparalisa.

Gayunman karaniwang nakamamatay ang ALS sa loob lamang ng limang taon pagkatapos ng pagkilala sa karamdaman.

Ang mga posibleng sintomas ng ALS ay pagkabagsak o pagkadapa, kawalan ng kontrol o lakas sa mga kamay at braso, hirap sa pagsasalita, paglunok at paghinga, patuloy na pagramdam ng pagkapagod, at panghihilab ng mga kalamnan.

Madalas umanong tinatamaan o dinadapuan ng ALS ang mga taong nasa kalagitnaan ng kanilang buhay o tinatawag na mid-life pero halos isa at kalahating beses ang posibilidad ng mga kalalakihan na magkaroon ng ganitong karamdaman kompara sa mga kababaihan.

Dahil sa mga motor neurons lang ang tinatamaan o naaapektuhan ng ALS, ang karamdamang ito ay hindi nakasisira sa pag-iisip, personalidad, talino at alaala ng isang tao.

Hindi rin ito nakakaapekto o nakapipinsala sa abilidad ng isang taong makakita, makaamoy, makalasa, makarinig at makakilala ng hipo o pakiramdam.

Sa ngayon ay wala pang lunas sa sakit na ALS at wala ring tiyak na therapy upang pigilan o puksain ang ganitong sakit.

Ngunit makakatulong naman sa kaligtasan at kakayahan sa sarili ng pasyente ang mga physical therapy at mga ehersisyong low-impact aerobic gaya ng paglalakad, paglangoy, at pagbibisikleta, na nagpapabuti sa kalusugan ng puso at nakatutulong sa mga pasyenteng labanan ang pagkahapo at kalungkutan.

Ang ALS Association ay bukod tanging non-profit organization na lumalaban sa Lou Gehrig's Disease.

Pero ang 27-year-old co-founder ng ice bucket challenge na si Corey Griffin ay pumanaw na matapos masangkot sa diving accident.

Nasa Nantucket Island sa Massachusetts si Griffin para sa fundraising sa ALS nang mag-dive umano ito sa isang wharf mula sa isang building.

Bagama't lumutang ito nang umabot sa surface, muli raw ito lumubog at hindi na nakaahon.

Ang kaibigan ni Griffin na may sakit na ALS ang inspirasyon nito para sa charitable challenge.

Ang Ice Bucket Challenge ay isa ng global phenomenon ngayon kung saan mga celebrities at kilalang personalidad ang sumali. (alsa/christopherreeve)

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S