Palaisipan pa rin ngayon sa mga residente ng Sitio Usok, Barangay Panataw, sa bayan ng Claver, lalawigan ng Surigao del Norte ang dahilan ng umano'y pag-ulan kahapon ng sulfur o mas kilala sa local term na asupre na kasing laki ng ordinaryong asin .
Sa panayam ng Bombo Radyo Butuan kay Lorelie Abatol, residente ng nasabing lugar, sinabi nito na dakong alas-2:00 ng hapon ay kinuha na nila ang kanilang sinampay na mga damit dahil sa nangingitim na ang kaulapan subalit laking gulat nila dahil hindi naman nabasa ang lupa.
Bagkus mga pira-pirasong parang sulphur na kasinlaki ng butil ng asin ang nakuha umano nila na kulay puti.
Wala namang amoy at tumagal pa ng hanggang apat na minuto ang pag-ulan.
Nilinaw din ni Lorelie na hindi na nila ito nakuhanan ng litrato dahil mabilis din itong natunaw.
Sinusuri pa ng mga opisyal sa nasabing lugar ang nasabing kaganapan. | via@BomboRadyoButuan
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Bahagi ng Surigao Norte inulan ng asupre?
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Monday, August 18, 2014
1:47 PM