TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Bangkay ng ina, pinag-aagawan ng mga anak; libing 'di natuloy.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Monday, August 11, 2014


Hindi natuloy ang paglibing sa isang matanda kahapon ng hapon sa Pulupandan Public Cemetery matapos pinag-agawan ng kaniyang mga anak.

Batay sa salaysay ni Mitchie Esmilia, apo ng namatay na si Teresa Pico, 76-anyos, ng Pulupandan, Negros Occidental ay nagprusisyon na sila kahapon matapos ang misa nang humarang ang dalawa nitong tiyahin at kinuha ang kabaong ng kaniyang lola.

Ayon dito, ayaw pang ipalibing ng kaniyang mga tiyahin ang kaniyang lola dahil maliban sa pangungulila ay kulang pa umano ang kanilang nakolektang bayad mula sa pasugal sa lamay.

Napag-alaman na lima lahat ang anak ng namatay at ito ay nilamayan sa bahay ng kaniyang pangatlong anak sa Brgy. Sampinit, Bago City.

Una rito sinasabing tutol talaga ang pang-apat at ang bunsong anak na ipalibing ito kahapon ngunit sa huli ay sumang-ayon naman kaya itinakda ang misa sa simbahan sa Bago City bago ililibing sa Pulupandan Public Cemetery.

Hindi dumalo sa misa ang dalawa at habang patungo na sa sementeryo ang magsisipaglibing ay hinarangan sila sa Brgy. Patic, Pulupandan at kinuha ang bangkay.

Walang nagawa ang pangalawa at pangatlong anak ng namatay kundi ibigay na lang ang bangkay at bahala na umano ang nakababata nilang mga kapatid kung kaila nila gustong ipalibing ang ina.

Malaking kahihiyan naman ang nadama ng pangalawa at pangatlong anak matapos magsiuwian na lang ang maraming tao na nakiramay din sa pagpanaw ng yumaong ina. report from Bombo Radyo Bacolod

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments