Butuan Doctors Hospital denies cruel treatment of emergency patient?
Sa social media ibinuhos ng mga netizen ang galit sa Butuan Doctors Hospital matapos kumalat ang pagkamatay ng batang si Jannari Chan na tinanggihan ng nasabing ospital.
Ayon sa magulang ng bata, tinanggihan sila ng ospital dahil sa kabiguang magbigay ng downpayment.
Nauna nang itinanggi ng ospital na hiningian nila ng paunang bayad ang pamilya pero tuloy pa rin ang imbestigasyon ng Department of Health o DOH-Caraga.
Batay sa Section 1 ng Republic Act 8344, labag sa batas na humingi ng downpayment ang ospital bilang kondisyon sa pagbibigay ng atensyong medikal o confinement sa mga emergency o seryosong kaso.
Bagama't batid ng DOH na nakadepende ang maliliit na pribadong ospital sa kinikita nila para sa patuloy nilang operasyon, iginiit nitong hindi pa rin sapat na rason ang kita.
Pwedeng pagmultahin o makulong ng higit dalawang taon ang sinumang empleyado o medical practioner na mapatutunayang lumabag sa nasabing batas.
Hinikayat naman ng DOH ang publiko na kaagad iulat sa kanila ang mga ospital na lumalabag sa batas na ito. | via@ABS-CBNnews.com; photo from Tutz Salarda-Chan
Facebook
Twitter

