Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Bilang ng mga Pinoy na walang trabaho, tumaas.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Tuesday, August 19, 2014
9:46 AM
Umakyat na sa 11.8 milyong Pilipino ang walang trabaho sa ikalawang bahagi ng 2014.
Ito ang lumitaw sa survey ng Social Weather Stations o SWS na isinagawa noong Hunyo 27 hanggang 30 sa 1,200 indibidwal na edad 18 pataas.
Umakyat sa 25.9% ang joblessness rate sa second quarter mula sa 25.7% o 11.5 milyong Pinoy na naitala noong first quarter.
Batay din sa pinakahuling survey, bumaba sa "mediocre" +3 ang optimism on job availability o positibo sa pagbubukas ng mas maraming trabaho sa mga susunod na buwan mula sa "fair" +13 sa unang bahagi ng taon.
Unang inilathala ang survey sa BusinessWorld. | via@SWS