Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Bush fire sa Albay, nagpapatuloy.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Monday, August 4, 2014
9:58 AM
Mahigit sa 5,000 residente ng Rapu-Rapu Mainland at Batan Island ang nanganganib dahil sa nagpapatuloy na bush fire sa Albay.
Tatlong araw nang nasusunog ang taniman at gubat sa hindi pa matukoy na dahilan.
Sa insiyal na pagtaya ng Albay Public Safety and Emergency Management Office, anim na ektarya na karamiha'y mga tanim na niyog at upland crops ang natutupok.
Namemeligro sa apoy ang Poblacion, Morocborocan at mga kalapit na sitio ng Acal, Malanao, Guadalupe at Buenavista.
Nagsagawa ng aerial survey at inirekomenda na rin ang state of calamity sa lugar, paglilikas sa mga residente at pagpasasagawa ng helicopter bucket operations upang maapula ang apoy.
Nagpasaklolo ang local officials lalo't timog-kanluran ang direksyon ng hangin na nagpapalakas naman sa sunog.
Nagpapadala na rin ng isa pang chopper na may aerial firefighting capability ang Philippine Air Force mula sa Davao City. photo from ABS-CBNnews.com