Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Cebu inmates, nakiisa sa ALS Ice Bucket Challenge.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Wednesday, August 27, 2014
9:27 AM
Hindi nagpahuli ang Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center o CPDRC inmates sa kampanya laban sa Amyotrophic Lateral Sclerosis o ALS.
Hinarap ng babae at lalaking inmates ang ALS ice bucket challenge sa isang live morning show ng ABS-CBN sa Cebu.
Tila nag-groupie sa hamon ang mga ito dahil sabay-sabay silang binuhusan ng tubig kasama ang CPDRC Consultant na si Marco Torral.
Bukod sa pagbuhos ng tubig upang maranasan ang pagkamanhid na dulot ng ALS sa apektadong may-sakit, dapat din anya sabayan ng dasal ang pagsabak sa hamon, ayon sa isa sa mga preso na si Felix Niere.
Sunod naman nilang hinamon sina Cebu Governor Hilario Davide III, ABS-CBN Cebu host Reena Elena, at ang ABS-CBN reporter na si Junrey Nadela.
Bukod sa simpatya, nag-ambag din ang mga ito ng $100 donasyon sa awareness campaign na dapat sana'y ibinibigay lang kapag hindi sinagot ang hamon.
Mula naman ito sa kita ng kanilang kooperatiba.
Matatandaang umabot na sa halos $80 milyon ang nalilikom na donasyon ng ALS Association dahil sa pagkalat ng ice bucket challenge sa buong mundo.
Samantala, umabot na sa $79.7 milyon ang nalikom na donasyon ng ALS Association kasunod ng pagkalat ng ice bucket challenge sa iba't ibang panig ng mundo kasama ang Pilipinas.
Ang naturang halaga ay naipon mula Hulyo 29 ng kasalukuyang taon hanggang Agosto 25.
Ayon sa ALS Association, mas mataas ito ng $2.5 milyon kumpara sa nalikom nila sa kaparehong panahon noong nakalipas na taon. Sa ALS o Amyotrophic Lateral Scelorosis, unti-unting namamatay ang motor neurons ng mga nerve cell kaya unti-unti ring hindi napapakilos ang mga muscle ng katawan.
Nanghihina at lumiliit ang mga muscle at napaparalisa ang mga pasyente na nagiging sanhi ng kamatayan.
Madalas na umaabot lang sa dalawa hanggang limang taon ang mga may ALS.
Dahil hindi pa rin alam ang sanhi ng sakit, wala pa ring gamot para rito.
Kaunti pa lang ang mga kaso ng ALS sa bansa at wala pang pormal na datos hinggil dito.
Gumagamit ng nerve conduction test at electromyoagraphy para mabatid kung may ALS ang isang indibidwal.
Mula sa mga sikat na Hollywood personalities at politicians, hanggang sa mga celebrity sa Pilipinas at maging mga pulitiko, marami na ang sumabak sa ice bucket challenge na pinasimulan sa layuning palaganapin ang impormasyon tungkol sa ALS gayundin para makalikom ng donasyon para dito.| via@ABS-CBN_Cebu; photo from ABS-CBNnews.com