HINIGARAN, NEGROS OCCIDENTAL - Bugbog-sarado ang isang dating kasapi ng CAFGU matapos nag-hostage sa loob ng Ceres Bus sa terminal ng Vallacar Transit sa bayan ng Hinigiran, Negros Occidental kahapon.
Confined sa Hinigaran Emergency Clinic si Richard Hofillo, 26-anyos ng Sitio Buri, Brgy. 4, Kabankalan City dahil sa natamong bukol at sugat sa iba't-ibang bahagi ng kanyang katawan matapos pinagtutulungan ng mga pasahero.
Napag-alaman na biglang umakyat sa Bus si Hofillo at tinutukan ng baril ang driver at sinabihan na umalis agad.
Isang pasahero na malaki ang pangangatawan ang matapang na nilapitan at agad hinila ang suspetsado at doon nangyari ang grappling hanggang sa na-overpower niya ito sa kabila ng pagpaputok ng suspetsado.
Dahil dito, marami naman ang lumapit at pinagtutulungan na bugbugin ang suspetsado hanggang dumating ang mga nag-responder na kapulisan.
Napag-alamang sumakay si Hofillo sa Bus mula sa Bacolod ngunit pagdating sa lungsod ng Bago, lumipat ito ng Bus hanggang nakarating sa bayan ng Hinigaran.
Si Hofillo, ang pinaniniwalaang may nervous breakdown dahil nagtatago ito sa batas dahil sa kaso na qualified theft at may pending warrant of arrest laban sa kanya.
Kaso na illegal possession of firearms ang haharapin ni Hofillo dahil sa kanyang ginawa.
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Dating CAFGU, nag-hostage sa loob ng bus sa Hinigaran.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Monday, August 25, 2014
9:48 AM