VALLADOLID, NEGROS OCCIDENTAL - Dahil umano nakatulog ang isang driver, isang banggaan ng limang ang naganap sa Brgy. Saguwa-banwa, Valladolid, Negros Occidental.
Kabilang sa aksidente ang isang Ceres bus, isang depasaherong double tire na may biyaheng Bacolod-La Castellana, puting delivery van ng isang Donut company, at dalawang traysikel na pawang galing sa Sur na bahagi ng Negros Occidental.
Ayon sa pahayag ng driver ng double tire na si Daniel Quiatchon, huminto ang sinusundan nitong bus upang kumuha ng pasahero habang naghihintay naman ito ng pagkakataon upang maka-overtake nang biglang tumama sa likurang bahagi ng kanyang sasakyan ang isang traysikel.
Ang traysikel ay unang binundol ng van na mula sa Dumaguete City, Negros Oriental upang mag-deliver ng Donuts.
Agad na kinabig ng driver ng van na si Joevani Canales, 24, ang manibela dahilan upang maiwasan ang pagkaipit ng traysikel na may isang pasaherong babae subalit nabundol naman ng van ang isang nakaparadang traysikel sa gilid ng daan bago nahulog sa kanal.
Dinala na sa Western Visayas Regional Hospital ang driver ng traysikel na si Alfredo Borromeo.
Aminado naman si Canales na nakaidlip ito sa biyahe dahil sa sobrang pagkapagod. | via@Johnny F. Arasga, REMATE
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Driver nakatulog, 5 sasakyan nagkarambola.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Sunday, August 17, 2014
6:54 PM
Facebook
Twitter
