Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Ebola outbreak, idineklara nang "Public Health Emergency".
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Saturday, August 9, 2014
9:14 AM
Idineklara na ng World Health Organization o WHO na isang "Public Health Emergency" ang nakamamatay na Ebola Virus na ngayo'y mabilis na kumakalat sa West Africa.
Nangangahulugan na kailangan na ng "extraordinary" at mabilisang tugon para sugpuin ang pagkalat nito.
Sabi ng WHO, ang pagkalat ng Ebola ay isa sa pinakamalaki at pinakamahaba sa kasaysayan na nangyayari sa mga bansang walang kakayahan na kontrolin ang impeksyon.
Dahil dito, nananawagan na ang WHO ng pandaigdigang pagtutulungan.
Nagsimula ang outbreak sa Guinea noong Marso at kumalat na sa Sierra Leone at Liberia at mayroon na ring ilang kaso sa Nigeria.
Walang pang lisensiyadong gamot o bakuna kontra Ebola at umaabot ng 50-porsyento ang antas ng mga namamatay kapag tinamaan nito.
Matatandaang nagdeklara rin noon ang WHO ng public health emergency laban naman sa swine flu noong 2009. | via@WHO; report from ABS-CBNnews.com; photo from America.Aljazeera.com