TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Eskwelahan, di abswelto kahit may pinapirmahang waiver para sa field trip.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Saturday, August 23, 2014

Kahit may pinirmahang waiver para sa field trip, maaari pang habulin ng mga magulang ang pinapasukang paaralan ng anak sakaling maaksidente ang mga ito habang nasa field trip.

Ito ang iginiit ng Commission on Higher Education o CHED kasunod ng field trip ng Bulacan State University o BSU sa San Miguel, Bulacan na nagresulta sa pagkamatay ng pitong estudyante.

Ayon sa CHED, hindi nagtatapos ang responsibilidad ng pamantasan sa pagpirma ng waiver ng mga magulang ng estudyante.

Mas hihigpitan ng CHED ang pagpapatupad ng direktiba ukol sa mga isinasagawang educational tour.

Nakapaloob dito ang maraming guidelines kabilang ang pagsusumite ng risk assessment plan sa lugar na pupuntahan, dapat may koordinasyon ang eskwelahan sa mga lokal na pamahalaang nakasasakop sa lugar na pupuntahan at pagkakaroon ng mga medical insurance.| via@CHED

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments