Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Hong Kong, naka-high alert sa Ebola Virus.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Tuesday, August 12, 2014
9:26 AM
Naka-high alert na ngayon ang Hong Kong dahil sa banta ng Ebola virus.
Ito'y matapos nilang maranasan ang ikalawang Ebola scare nang magreklamo ang isang 32-anyos na Nigerian na nakaramdam ng ilang sintomas ng pagkahawa sa virus tulad ng diarrhea at pagsusuka.
Nagnegatibo naman ito tulad ng babaeng Hong Kong National na inireklamo ang iniindang sakit matapos bumisita ng Kenya.
Dahil dito, nakatutok na ang awtoridad sa mga dumarating sa Hong Kong na galing sa Western Africa countries na apektado ng Ebola tulad ng Nigeria, Sierra Leone, Guinea at Liberia.
Binibigyan din ng information sheet ang lahat ng dumarating mula sa mga nasabing bansa upang mabatid kung may nararanasan ang mga itong sintomas ng Ebola.
May temperature checking na rin silang isinasagawa sa mga airport lalo na't hirap silang makalikom ng impormasyon mula sa ibang biyahero.
Samantala, nagtalaga na ang lokal na awtoridad ng 59 isolation wards sa Princess Margaret Hospital para gamitin bilang detection at quarantine center.
Nagpapaalala naman ang World Health Organization o WHO ukol sa mga dapat tandaan sa Ebola Virus. | via@ABS-CBNnews.com