TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

HR officer sa Iloilo, inireklamo umano'y modus na sex kapalit ng trabaho.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Thursday, August 14, 2014

Nabunyag ngayon ang modus sa pananamantala ng isang Human Resource Officer sa isang establisyemento sa Lungsod ng Iloilo.

Ito'y matapos dumulog sa Bombo Radyo Iloilo ang mga aplikante sa trabaho sa 168 Plaza sa Iloilo City para ireklamo ang pambabastos sa kanila ng HR Officer.

Sa salaysay ng isa sa mga aplikante na si alyas Jane, inalok siya ng HR officer na kanilang tinukoy sa pangalang Joven na makipagtalik kapalit ng pagpapatiyak na makapasok siya sa trabaho.

Niyaya umano siya nito na pumasok sa isang tig-P50 na silid sa Arroyo St., Iloilo City para doon makipagtalik at ang kapalit ay tatanggapin na siya sa trabaho subalit hindi siya pumayag.

Maliban kay alyas Jane, kagaya rin ang ginawa ng HR officer sa isang pang aplikante na si alyas Maricar at sa dalawa nitong kasamahan.

Ayon kay Maricar, niyaya siyang magkita alas-7:30 ng gabi para umano sa interview na ipinagtaka naman niya dahil hindi na ito office hours at papasok pa sila sa tig P-50 rin na silid.

Nang kanyang sinabi sa dalawa iba pa na aplikante, doon na at nagkaalaman na pareho rin pala ang ginawa sa kanila.

Sa ngayon, ipinaabot na sa National Bureau of Investigation o NBIang reklamu para maimbestigahan dahil baka marami na ang naging biktima.

Mistula namang umiiwas ang tinutukoy na HR officer matapos hindi ito makita nang pinuntahan ng reporter ng Bombo Radyo Iloilo. | via@BomboRadyoIloilo

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments