TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Ilang estudyante sa Cagayan, sinaniban umano ng espiritu.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Wednesday, August 6, 2014

Sinaniban umano ng espiritung humihingi ng hustisya ang ilang mga estudyante sa Cagayan State University o CSU-Sanchez Mira Campus.

Sa panayam ng Bombo Radyo Tuguegarao kay Froilan Pacris, Campus Executive Officer ng CSU Sanchez Mira, nagsimulang saniban ng iba't ibang klase ng espiritu ang ilang mga estudyante noong araw ng Biyernes noong nakaraang linggo hanggang nitong araw ng Lunes.

Nitong Biyernes ay tatlong mag-aaral ang nasaniban habang apat noong Sabado at Lunes kung saan pawang mga babae ito at mula sa iba't ibang year level.

Ayon kay Pacris, kapag may sumanib na espiritu sa mga ito ay malakas sila, nag-iiba ang kanilang mga boses, tumitirik ang kanilang mga mata at naninigas ang kanilang katawan.

Nabatid na ilan sa mga espiritu na sumasanib sa mga mag-aaral ay ang umano'y batang inilaglag ng magulang, humihingi ng hustisya, nagugutom at ang ilan naman ay hindi umiimik.

Dagdag pa ng opisyal na dinadala sa ospital ang mga mag-aaral na sinasaniban dahil nanghihina ang mga ito pero wala namang findings ang mga doktor na sakit sa kanilang katawan.

Dahil dito ay nagpasyang ipabasbas ng mga campus officials sa isang pari ang mga pasilidad, dormitoryo at silid-aralan ng naturang paaralan kahapon subalit muling sumanib ang mga espiritu sa apat na estudyante. 

Napag-alaman kay Pacris na ito na ang ikalawang pagkakataon na may mga espiritung sumasanib sa mga estudyante.

Sa kabila nito nananatiling normal ang klase ng mga mag-aaral sa naturang unibersidad. report from Bombo Radyo Tuguegarao; photo from Cagayan State University-Sanchez Mira Campus

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments