Isang Ilonggang Overseas Filipino Worker o OFW na 15-araw pa lamang dumating at nagtrabaho sa bansang Kuwait ang ibinalitang tumalon sa isang gusali roon.
Kinilala ang biktima na si Lovelyn Valencia Semillano, ng Hda. Jovillanos, Brgy. Kansilayan, Murcia, Negros Occidental.
Ayon sa pamilya ng biktima, tumakas si Lovely sa kanyang employer ilang araw pa lamang sa trabaho at nagtungo sa tanggapan ng agency na kanyang inaplayan at doon nanatili ngunit nahulog sa nasabing gusali.
Sinasabing nagpakamatay ang OFW matapos nawala sa katinuan dahil sa kanyang sinapit.
Kaugnay nito, nais ngayon ng pamilya na maimbestigahan ng maayos ang krimen upang matukoy kung ano talaga ang dahilan ng pagkamatay ng biktima.
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Ilonggang OFW na pinaniniwalaang tumalon sa gusali sa bansang Kuawit; pamilya, hindi naniniwala.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Thursday, August 7, 2014
9:45 AM