Ipinag-utos ngayon ni Governor Yevgeney Vincente "Bambi" Emano ang malalimang imbestigasyon sa umano'y food poisoning sa 200 mga residente sa Barangay San Vicente, Medina, Misamis Oriental.
Ito'y matapos makaranas nang pananakit ng tiyan, pagkahilo, pagsusuka at pagsakit ng ulo ang mga biktima ilang minuto ang nakalipas matapos ang kinain nilang pagkain na ibinigay ng barangay health workers bilang kanilang pananghalian.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cagayan DeOro, inihayag ni Emano na hindi rin dapat mag-alala ang mga biktima dahil sasagutin ng lalawigan ang anumang gastusin sa pamamagitan ng Misamis Oriental care program.
Bagamat nagpapasalamat naman ang opisyal na wala namang nasawi sa mga tinamaang ng pagkalason.
Una nang ginunita ang araw ng San Vicente sa nabanggit na bayan kaya mayroong mga aktibidadis na isinagawa kung saan nagbigay ng libreng pakain ang opisyal ng mga barangay para sa mga residente nito.
Sinabi naman ni Gingoog City Misamis Oriental cares coordinator Lenie Rodriguez na posibleng ang kinaing nilagang baka ng mga biktima ang sanhi ng kanilang pagkalason.
Dapat sana ay isinailalim ang alaga sa immunization bago kinatay.
Napag-alaman na nasa mga public at private hospital ang mga biktima na nilalapatan ng medikasyon sa bayan ng Medina, Talisayan, Balingasag, Magsaysay at Gingoog City sa lalawigan. | via@BomboRadyoCDO
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Imbestigasyon sa pagkalason ng 200 katao, iniutos
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Tuesday, August 19, 2014
9:33 AM