TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Iriga City Singing Ambassadors, humakot ng medalya sa World Choir Games sa Latvia.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Saturday, August 2, 2014


Tatlong gintong medalya ang naiuwi ng mga kinatawan ng Pilipinas sa katatapos na 8th World Choir Games sa Riga, Latvia.

Tatlong kategorya kabilang ang folklore, popular music at mixed chamber ang kanilang sinalihan sa International Competition.

Bukod sa tatlong ginto sa Latvia, dalawang gintong medalya at dalawang special awards na Best Performance at Best Soloist din ang iniuwi ng grupo sa 3rd Florence International Choir Festival.

Sa nasabing kompetisyon, sa kanila rin iginawad ang Golden David Award na siyang pinakamataas na uri ng parangal.

Bukod sa grupong mula sa Bicol, kinatawan din ng Miriam College High School Glee Club at Ateneo Chamber Singers ang Pilipinas at nagwagi sa kani-kanilang sinalihang katergorya.

Nakatunggali ng mga Pinoy singer ang nasa 600 chorale groups mula sa halos 60 bansa.

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S