Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Isang malaking sawa ang nahuli sa Roxas City.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Sunday, August 17, 2014
6:34 PM
Isang malaking sawa o python ang nahuli ng mga tanod ng Barangay Banica, Roxas City.
Nakita ng isang tricycle driver ang nasabing sawa na nakapulupot sa mga kahoy at kaagad ipinagbigay alam sa mga opisyales ng barangay.
May haba na tatlo at kalahating metro at bigat na 13 kilos ang sawa na kulay brown at dilaw na pinaniniwalaang lalaki.
Dahil sa pagkakahuli sa python ay nabigyan na rin ng kasagutan ang matagal na reklamo ng mga residente na pagkawala ng kanilang mga alagang manok, aso at iba pang hayop.