Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Isang Pinoy sa Thailand, arestado dahil sa ATM fraud.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Thursday, August 28, 2014
9:08 AM
Inaresto ang isang Filipino kasama ang isang Swedish sa bansang Thailand dahil sa pamemeke ng mga credit card at mga ATM card.
Ang mga naaresto ay kinilalang sina Martin Philip Javellana Magno, 31-anyos, at Per Johan Robin Bentley, 29-anyos, kung saan sila ay nahulihan ng 500 na cloned na cards, ATM skimmer, dalawang spy cameras at mga kagamitan para sa paggawa ng mga pekeng cards ng magsagawa sila ng search sa kanilang hotel room sa Chiang Mai.
Umaabot umano sa 10 million baht o katumbas ng P13 million ang nakulimbat ng mga suspek sa nasabing bansa at nadiskubre lamang ang insidente nang magsumbong ang isang empleyado ng Kasikornbank na may gumagamit ng bogus na cards para mag-withdraw sa kanilang ATM.
Base sa pag-iimbestiga ng mga kapulisan, ang mga suspek ay nag-ooperate na rin dito sa Pilipinas at sa bansang South Korea.