Pinag-uusapan at pinagkakaguluhan ngayon sa Brgy. Mabuti, Marcos, Ilocos Norte, ang kabute na mas malaki pa sa plato ang payong na natagpuan ng mga magsasaka sa bukirin ng nasabing lugar.
Natagpuan ang higit 20 kabute tatlong araw na ang nakaraan at agad nilang kinuha upang ipakita sa mga kinauukulan.
Kahit tatlong araw na umanong nabunot ang mga kabute ay nananatili pa ring fresh ang mga ito.
Umaabot ng lima hanggang anim na pulgada ang diametro ng payong ng kabute habang ang mga tangkay ay may laking dalawang pulgada.
Hindi pa matanto kung maaaring ulamin ang mga nasabing kabute o maituturing na edible o poisonous.
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Kabute na malaki pa sa plato ang payong, usap-usapan sa Ilocos.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Wednesday, August 6, 2014
9:36 AM