Pinagkaguluhan ngayon sa Barangay Kipalbig sa bayan ng Tampakan, South Cotabato ang isang kakaibang sisiw.
Ang nasabing sisiw ay hindi normal ang laki na parang inihipan ng hangin ang katawan kung titignan at wala ding balahibo.
Madami ang namamangha sa sisiw na kung maglakad ay para ding robot.
Ayon sa may-ari ng sisiw na hulihin sana niya ang manok upang tusukin ng karayum dahil parang napuno ang katawan nito ng hangin ngunit mailap ito.
Magmula noong sisiw ito ay wala ng balahibo ngunit ikinagulat na lamang na ngayon biglang lumubo ang kanyang katawan.
photo from Bombo Radyo Koronadal