Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Lahar flow, pinangangambahan sa palibot ng Mt. Mayon.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Tuesday, August 19, 2014
9:26 AM
Binabantayan na ngayon ng mga awtoridad ang mga river-channels sa palibot ng bulkan Mayon sa posibleng rumagasang lahar dahil sa patuloy na malakas na pagbuhos ng ulan na naranasan sa lalawigan.
Tinatayang aabot sa mahigit 15,000 mga pamilya ang pasok sa 6-kilometers radius permanent danger zone o PDZ ang nangangamba ngayon dahil sa patuloy na mga nararanasan na pag-ulan.
Kaya naman mahigpit na pinaaalalahan ng lokal na pamahalaan ang mga residenteng iwasan muna ang mga ilog at mga lugar na una nang dinaanan ng lahar lalo pa na nitong mga nakalipas na araw, ilang rockfall event ang naitala ng ahensiya.
Ayon sa paliwanag ng Phivolcs, posibleng magdulot din ng pagbabago sa steaming ang naranasan na mga pag-ulan kung pumasok ang cloud water sa bunganga ng bulkan at sumalubong sa tumataas na magma lalo pa at may nakaharang na lava dome sa crater nito.
Panalangin ngayon ng mga residente sa lalawigan na huwag nang magtuloy-tuloy ang ulan dahil mas magiging mapanganib anya ito sa kanila lalo pa ngayon sa kalagayan ng nasabing bulkan.