Kinilig ang lahat na mga nanonood ng dancing fountain sa Vigan City, Ilocos Sur, sa kakaibang marriarge proposal na kanilang nasaksihan.
Ito'y matapos na sinorpresa ni Zaki Mirabueno, isang Sales Director ng isang kompanya sa Maynila, ang kanyang girlfriend na si Gia Tambis na galing abroad.
Namangha si Tambis nang habang palapit sila sa view deck ng dancing fountain ay biglang tumugtog ang isang grupo ng mga musicians habang sumasayaw din ang tubig ng fountain.
Mangiyak- ngiyak ang dalaga sa hindi inaasahang proposal ng kanyang nobyo at sa paghingi ng kanyang matamis na "oo" sa "will you marry me" proposal ng kanyang boyfriend.
Ayon naman kay Mirabueno, noong una pa niyang salta sa siyudad at nakita niya ang ganda ng dancing fountain ay ipinangako na niya sa kanyang sarili na ipapasyal niya dito ang kanyang nobya pagdating mula sa abroad kasabay ang kanyang marriage proposal. video from Balitang Pilipinas Ngayon
Facebook
Twitter
