TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Lalaki na umano'y iniwan ng GF tumalon sa 13th flr, patay.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Saturday, August 16, 2014


Basag ang ulo ng 25-anyos na lalaki matapos tumalon sa ika-13th palapag ng gusali ng call center building kaninang hatinggabi sa may IT Parak, Brgy. Apas, lungsod ng Cebu.


Nakilala ang biktima na si Ernie Cadjong Antigua Jr., residente ng Barangay Looc, Mandaue City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cebu kay PO2 Frank Bolaquea inilarawan nito na nakainom ang nasabing biktima nang pumasok sa gusali at mabilis itong sumakay sa elevator patungo sa 13th floor at doon na tumalon.

Nabatid na depresyon umano ang sanhi ng pagpapatiwakal ng biktima matapos hiniwalayan ng kasintahan batay na rin sa narekober na suicidal note sa boarding house nito.

Sa sulat nagpaalam pa ang biktima sa kanyang mga magulang, kapatid at pati na ang mga kaibigan.

Una rito nagpadala pa ng text messages ang biktima sa mga kaibigan nito na tila humihingi ng kapatawaran at namamaalam.

Sa ngayon patuloy pa ring na inaalam ng mga otoridad kung walang foul play sa pangyayari. | via@BomboRadyoCebu

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments