MANAPLA, NEGROS OCCIDENTAL - Patay ang isang lalaki matapos nagpabunot ng kanyang ngipin sa isang faith healer.
Ang biktima ay kinilala kay Jerry Aguirre, 28-anyos, residente ng Brgy. Punta Mesa, Manapla.
Ayon sa kapatid ng biktima, humingi sa kanya ng pera ang kapatid para pampabunot ng ngipin ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay sa kilalang faith healer na nambubunot ng ngipin pala pumunta ang kapatid. Nagulat na lamang ito kinaumagan nang natagpuan ang kapatid sa silid nito na wala ng buhay.
Batay sa findings ng municipal health officer ng Manapla, namatay ang biktima dahil sa septic embolism o infection at blood poisoning.
Napag-alaman na limang ngipin ang pinabunot ng biktima, dalawa sa ilalim at tatlo sa itaas.
Ang faith healer naman ay kinilala kay Diosdado Mahilum.
Si Mahilum ay kilalang manggagawa ng pustiso sa kanilang bayan at kahit hindi lisensyadong dentista ay marunong na rin magbunot ng ngipin.
Sa ngayon ay pinaghahanap na ng pulisya si Mahilum matapos inireklamo ng kapatid ng biktima.
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Lalaki, patay nang nagpabunot ng ngipin sa faith healer?
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Thursday, August 21, 2014
6:30 PM