TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Lalaki patay sa meninggoccocemia sa Cebu.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Wednesday, August 27, 2014

Positibo sa meninggococcemia ang isang lalaki na namatay sa Vicente Sotto Memorial Medical Center.

Lumabas sa eksaminasyon na isinagawa sa biktima bago ito mamatay na positibo ito sa nasabing sakit.

Napag-alaman na ang biktima ay dinala sa VSMMC matapos ang ilang araw ng naka-confine sa Danao Provincial Hospital ngunit hindi pa rin ito gumagaling hanggang sa nakitaan na ng sintomas sa meninggococcemia.

Ngunit isang araw lang din itong nananatili sa VSMMC at binawian din ng buhay.

Agad namang ipanalibing ang bangkay ng biktima upang hindi na makahawa sa iba.

Samantala binigyan na rin ng profilaxis vaccine ang mga huling taong nakasalamuha nito kasama na rin ang mga sepulterero.

Sa ngayon nagpapatuloy ang isinasagawang monitoring ng Department of Health sa kanila.

Matatapos ang kanilang monitoring sa mga binigyan ng vaccine makalipas ang isang linggo.

Sa ngayon ay hindi pa kumpiyansa ang DOH-7 na ligtas ang mga ito sa meninggococcemia, ngunit ipinapasalamat ng DOH na hindi nakikitaan ng sintomas ang mga ito.

Ipinaliwanag ni Cimafranca na ang meninggoccemia ay isang bacteria na kailangan ng masusing monitoring sapagkat kung mapabayaan maaring mamatay ang biktima sa loob lamang ng tatlo hanggang apat na araw.

Napag-alaman na ito ang unang positibong kaso ng meninggococcemia sa Rehiyon-7 at ang ibang report na natanggap ng DOH-7 ay pawang mga suspected cases lamang. report from Bombo Radyo Cebu; source DOH-7

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments