TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Mayor Bongat ng Naga City, nag-ice bucket challenge na rin.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Monday, August 25, 2014


Nakisali na rin sa usong-usong ice bucket challenge sa social media ang kasalukuyang alkalde ng lungsod ng Naga.

Sa official Facebook Account ni Mayor John Bongat, makikita ang 57 seconds video ng pagbuhos niya ng nagyeyelong tubig sa kaniyang sarili.






Nabatid na hinamon ng isang kaibigan mula sa Canada si Mayor Bongat na gawin ang ice bucket challenge sa loob ng 24 na oras na agad namang tinanggap ni Bongat.

Sa video, makikita ang paglalagay ni Bongat ng dalawang supot na cracked ice sa isang itim na trash bin na may lamang tubig.

Habang naghahanda ay hinamon naman nito ang kaibigang si Atty. Noreen San Luis-Lutey, Regional Dir. ng Land Transportation Office o LTO-Bicol.

Napag-alamang ang asawa niyang si Farah ang kumuha ng nasabing video.

Inaabangan ngayon ng mga netizens kung tatanggapin ni Atty.Lutey ang hamon ng Alkalde. | via@BomboRadyoNaga;  video and photo from Mayor John Bongat Facebook Account

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments