Ano ang Ebola?
Ang Ebola ay sakit na nakakahawa at nakamamatay sa mga tao at mga primates tulad ng mga unggoy dulot ng impeksyon mula sa Ebola Virus.
Paano ito naipapasa?
Maaaring maipasa ang virus sa pamamagitan ng:
- blood, organ o iba pang bodily fluid contact sa apektadong hayop
- body fluid at dumi ng nahawaang tao
- kontaminadong karayom
- kobre-kama ng mga may-sakit
- direct contact sa bangkay ng nasawi dahil sa Ebola
Sintomas?
Mararamdaman ng mga nahawa ang mga sumusunod na sintomas:
- lagnat
- pananakit ng ulo
- matinding panghihina
- joint at muscle pains
- masakit na lalamunan
Maaari pa itong humantong sa:
- pagsusuka
- diarrhea
- pagsakit ng tiyan
- rashes
- impaired kidney at liver function
- internal at external bleeding
- mapulang mga mata
- pagsinok
- pagdurugo
Sakaling maranasan ang mga sintomas na ito, mainam na magpatingin sa pinakamalapit na health center upang mabantayan ng awtoridad.
Paano ito maiiwasan?
Bagama't nakamamatay, maaari namang maiwasang mahawa sa sakit sa pamamagitan ng:
- pag-iwas sa mga nahawang pasyente
- hindi pagkain ng hilaw na laman ng mga fruit bat, matsing o anumang hayop na may virus
- pagsuot ng guwantes at iba pang protective equipment kapag lalapit sa mga may sakit
- paghuhugas ng kamay matapos bumisita sa mga may-sakit na kaanak o kakilala.
source: WHO
Facebook
Twitter
