TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Muling nagpaalala ang mga awtoridad ukol sa ATM skimming?

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Thursday, August 7, 2014


Muling nagpaalala ang mga awtoridad ukol sa Automated Teller Machines o ATM skimming.

Kasunod ito ng pagrereklamo ng ilang depositor na nawalan sila ng libo-libong pera sa kanilang ATM account gayong hawak nila ang ATM card.

Ayon kay Vice President of Operations ng Bancnet Rene Natividad, ang ATM skimming ay pagkuha ng impormasyon sa pamamagitan ng ikinakabit na maliliit na electronic device sa isang ATM.

Nakukuha anya ang personal identification number (PIN) ng isang depositor dahil naglalagay ng pekeng keypad ang mga magnanakaw kaya kapag nag-type dito ang kliyente ay nare-record ang pin.

Nagsisilbi rin umano ang mga naturang gadget bilang card reader ng ATM at nababasa ang impormasyon sa card.

Minsan nama'y naglalagay ng camera sa ATM at namomonitor ang pagpasok ng PIN ng nagwi-withdraw.

Kaya payo ni Natividad, maging mapagmatyag sa tuwing magwi-withdraw ng pera at ugaliin ang pagpapalit ng PIN.

Palagi ring magwithdraw sa mga ATM na maliwanag at may guwardya lalo na kapag kailangan itong gawin sa gabi.

Subukan ding galaw-galawin ang mga bahagi ng ATM at kapkapin ang PIN shield at ang nilalabasan ng pera upang malaman kung may nakakabit na gadget tulad ng card reader at keypad.

Siniguro naman ng mga bangko na maglalagay na sila ng gwardiya at patuloy na imo-monitor ang mga ATM nila upang maiwasan ang kaparehong insidente. report from ABS-CBNnews.com

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments