Isa na ang naitalang pasyente na may Amyotrophic Lateral Sclerosis o ALS Disease sa Negros Occidental.
Dahil sa patok na Ice Bucket Challenge na naglalayong ma-promote ang awareness kaugnay sa nasabing sakit isang misis ng ALS patient sa lungsod ng La Carlota, Negros Occidental ang lumapit sa Bombo Radyo Bacolod at nakibahagi sa kaniyang karanasan.
Ayon kay Mrs. Analyn Javelosa ng La Carlota City, mga isang taon na umanong na-diagnose na may ALS ang kaniyang mister na si Jomar Javelosa, 33-anyos.
Aniya nagsimula ang sakit ng kanyang mister noong nagkaroon ito ng grabeng pigsa ngunit nagamot naman subalit unti-unting lumiit ang kanyang mga kamay, hindi na magawang humawak ng kutsara sa pagkain hanggang sa hindi na magalaw.
Sa paglipas ng mga araw ay hindi na nito maituwid ang kanyang ulo kahit naka-upo at unti-unting naapektuhan ang pagsasalita.
Sa ngayon aniya ay nagagalaw pa ng kanyang mister ang mga paa nito ngunit hindi makabangon at sinusubuan na lang upang makakain.
Ayon sa mga eksperto sa medisina, wala pang gamot sa naturang sakit at ang pasyente na may ALS ay unti-unting maparalisa na kahit sa paglunok ng pagkain ay hindi na nito magawa.
Si Javelosa ay humihingi ng financial na tulong dahil sa dinaranas na kahirapan sa buhay matapos hindi na makapagtrabaho ang breadwinner ng pamilya at hindi rin ito makahanap ng trabaho dahil nahihirapan siyang alagaan ang kanyang asawa na may ALS. | via@BomboRadyo_Bacolod
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Negros Occidental, nakapagtala na ng ALS patient.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Saturday, August 30, 2014
8:53 AM