Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
No. 5 Most Wanted Person sa Kabankalan City, patay matapos nanlaban sa mga pulis.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Saturday, August 16, 2014
11:33 AM
KABANKALAN CITY - Dead on the spot si July Garul ng Brgy. Bantayan, Kabankalan City matapos nanlaban sa mga kapulisan na magsisilbi sana ng warrant of arrest laban sa kanya.
Napag-alaman, na nangyari ang insidente dakong alas-5:25 kahapon nang madaling araw sa labas ng bahay ni Garul.
Sinabi nito na papalapit pa lang umano ang mga kapulisan sa bahay ngunit namatyagan sila ng suspek dahil sa mga tahol ng aso kaya lumabas ito.
Nagpakilala umano ang joint elements ng CIDG at ng Kabankalan City Police Station ngunit biglang nagpaputok si Garul kaya napilitan ang mga police na gumanti at nagkaroon ng palitan ng putok hanggang sa napatay ang salarin.
Si Garul ay may warrant of arrest sa kasong murder at robbery at no. 5 most wanted person sa lungsod ng Kabankalan.
Si Garul at ang mga grupo niya ang siyang suspek sa serye ng pangho-hold-up sa Kabankalan at karatig na mga lugar.